FAQ

Mga sagot sa mga madadalas itanong

Ano ang Google Ad Grants?

Kinokonekta ng Google Ad Grants ang mga tao sa mga layuning mahalaga sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng hanggang $10,000 USD kada buwan ng in-kind na pag-advertise sa paghahanap para sa mga kwalipikadong nonprofit.

Paano gumagana ang Google Ad Grants?

Sa Google Ad Grants account, gumagawa ka ng mga ad para lumabas sa Google Search. Lalabas ang mga ad ng iyong organisasyon nang mag-isa o sa ibaba ng mga may bayad na paid ad. Ang mga ad na ito ay mga ad na batay sa ad text sa mga page ng resulta ng paghahanap ng Google.com.

Para sa higit pang impormasyon sa kung paano gumagana ang Ad Grants, tingnan ang aming help center.

Puwede bang magkaroon ng Ad Grants account at ng standard at may bayad na Google Ads account nang magkasabay?

Oo, magagandang paraan ang mga standard account na palawakin ang iyong epekto at ma-access ang mga karagdagang feature gaya ng remarketing, mga image ad, at video ad. Hindi makikipagkumpitensya ang iyong mga account sa isa't isa dahil nasa hiwalay na auction ang mga ad sa Ad Grants pagkatapos ng mga may bayad na ad.

Isa kaming maliit na nonprofit. Puwede pa rin ba kaming makipagkumpitensya sa malalaking organisasyon sa Google.com at makinabang sa programa ng Google Ad Grants?

Oo, binibigyan ng reward ng Google Ads ang kaugnayan. Sa katunayan, posibleng lumabas ang maliliit at lokal na Grantee na gumagamit ng mga keyword na partikular sa lokasyon at pag-target bago ang malalaki at pambansang organisasyon. Para umangat sa nakararami, lalo na sa mga kritikal na panahong gaya ng mga panahon ng pagbibigay sa pagtatapos ng taon, puwedeng pag-isipan ng mga nonprofit ang pag-invest sa isang standard na Google Ads account para palawakin ang kanilang abot.

Puwede ko bang ipakita ang aking mga ad sa iisang lokasyon lang?

Oo! Nagbibigay-daan sa iyo ang pag-target ng lokasyon na ipakita ang mga ad sa mga tao sa isang partikular na lugar.

Puwede mong piliin ang mga lugar, estado, lalawigan, metro area, bansa, at rehiyon na gusto mo. Tiyakin lang na sundin ang mga kinakailangan sa patakaran sa geo-targeting kapag nagse-set up ng pag-target ng lokasyon para sa iyong mga campaign.

Ano ang mga kinakailangan sa Google Ad Grants?

Para maging kwalipikado sa Google Ad Grants, ang iyong organisasyon ay dapat na isang kwalipikadong nonprofit, mayroong website na may mataas na kalidad na nakakatugon sa aming patakaran sa website, at nakakatugon sa mga patakaran ng programa.

Magkano ang Google Ad Grants?

Hindi mo babayaran ang mga Ad Grants campaign. Pagkatapos mong maging kwalipikado para sa programa, mayroon kang budget sa ad na $10,000 USD kada buwan ng in-kind ng pag-advertise sa paghahanap na magagamit sa maraming campaign. Hindi naililipat ang mga pondo kung hindi nagamit.

Kapag na-activate mo na ang Ad Grants, ipe-preload ang iyong badyet sa pag-advertise sa account mo, at hindi mo ito kakailanganing hilingin sa Google.

Kailangan ko bang gumastos ng $10,000 kada buwan para mapanatili ang aking Ad Grants?

Hindi, walang kinakailangan sa paggastos.

Paano ako mag-a-apply sa Google Ad Grants?

Tingnan ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado na ito at mag-apply sa Google for Nonprofits. Panoorin ang step-by-step na video na ito para maunawaan ang proseso ng aplikasyon sa simula hanggang dulo.

Paano ako magla-login sa Google Ad Grants?

Kapag natanggap ka na sa Ad Grants, maa-access mo ang iyong account gamit ang Google Ads platform. Mag-navigate sa ads.google.com at mag-sign in gamit ang email na ginamit mo sa pag-sign up sa Google for Nonprofits.