Nonprofit Marketing Immersion
Suporta sa pro bono na account mula sa mga mag-aaral ng digital na marketing at volunteer sa buong mundo.
Isa akong
nonprofit
Kumuha ng tulong sa marketing
Isa akong
mag-aaral/
volunteer
Magbigay ng tulong sa marketing
Isa akong
advisor
Magpayo sa isang team
PARA SA MGA NONPROFIT
Makatanggap ng libreng tulong sa marketing para sa iyong organisasyon mula sa mga mag-aaral o volunteer na certified sa Google Ads
Magpatulong sa iyong Ad Grants account sa mga volunteer na sino-sponsor ng advisor. Matuto pa tungkol sa mga kinakailangan sa programa at mga inaasahan sa nonprofit dito.
Mag-sign up sa Google Ad Grants
Makakuha ng hands-on na tulong sa iyong mga ad
Isulong ang pagkatuto mula sa karanasan
1. Magparehistro
Kapag handa ka na, magparehistro para maitugma sa isang team ng mag-aaral/volunteer. Tumatakbo nang buong taon ang Nonprofit Marketing Immersion at walang deadline sa pag-apply.
2. Maitugma sa isang team ng volunteer
Sa sandaling may available na tugma, itutugma ka sa isang team ng mag-aaral/volunteer na naipasa ang eksaminasyon ng certification sa Google Ads at pinapangunahan ito ng advisor.
3. Maglunsad ng mga campaign na may suporta sa account nang walang bayad
Sa buong partnership mo, tutulungan ka ng iyong team ng mag-aaral/volunteer na maglunsad ng mga ad at maghatid ng ulat pagkatapos ng campaign na may mga rekomendasyon sa hinaharap para ma-optimize ang account mo.
PARA SA MGA MAG-AARAL/VOLUNTEER
Hasain ang iyong mga kasanayan sa digital na marketing sa pamamagitan ng mga aktwal at hands-on na karanasan.
Gumawa ng mga campaign sa Ad Grants para sa isang nonprofit na nangangailangan ng tulong para maipaalam pa sa mas maraming tao ang tungkol sa kanilang layunin. Matuto pa tungkol sa mga kinakailangan sa programa at mga inaasahan sa mag-aaral dito..
Isa nang nakarehistrong mag-aaral/volunteer o advisor? Mag-log in dito.
Makakuha ng hands-on na karanasan sa pamamagitan ng Google Ads
Matuto ng mahahalagang kasanayan sa pagsusuri at pagkonsulta
Tumulong sa mga nonprofit na makagawa ng malaking epekto
1. Maging Certified
Bago ka maging kwalipikado na maitugma sa isang nonprofit na kliyente, kakailanganin mong maipasa ang mga eksaminasyon sa Certification sa Google Ads Search at Certification sa Google Ads Measurement.
2. Iparehistro ang iyong team
Kailangan munang magparehistro dito ng iyong advisor. Kapag na-verify at naaprubahan na ang pagpaparehistro ng iyong advisor, kailangan ng isang Team Captain bawat team na magparehistro rito.
3. Maitugma sa isang nonprofit
Itinutugma ka ng Google sa isang nonprofit na kliyente, at maglalaan ka ng walong linggo sa pagpapahusay sa kanilang Ad Grants account. Tutulungan ka ng pagsasanay at mga step-by-step na gabay sa buong proseso.
Mga kuwento ng tagumpay
Tingnan kung paano nagtutulungan ang mga nonprofit at mag-aaral sa pagkakaroon ng matatagumpay na marketing campaign.
-
Rails-to-Trails Conservancy
"Namangha ako sa katumpakan at pagiging propesyonal na ipinamalas ng aming team ng mag-aaral sa proyektong ito. Malaki ang naiambag ng team sa aming mga pagsisikap na isulong ang paggamit ng pagsubaybay sa kritikal na panahon ng COVID-19" - Frederick Schaedtler, Rails-to-Trails Conservancy
-
Books2Africa
"Itinugma kami sa isang napakamatulunging team na may lubos na kaalaman tungkol sa teknolohiya. Napakahusay ng mga resultang naabot ng kanilang mga campaign at nagbigay pa sila ng suporta pagkatapos ng panahon ng campaign." - Tonson Sango, Books2Africa
-
Hear No Evil Australian Deaf Dog Rescue
"Naglaan ng oras ang team ng mag-aaral na unawain ang aming pagsagip at kung ano ang kinailangan namin. Gumawa sila ng mga campaign na lubos na nakatulong sa pagpapahusay sa kalidad ng impormasyong natatanggap namin mula sa mga taong nakikipag-ugnayan sa amin at ito ang eksaktong gusto namin." - Vicki Law, Hear No Evil Australian Dog Rescue
Isa nang Kalahok?
Mag-log in sa iyong dashboard ng advisor o mag-aaral/volunteer sa ibaba. Pakitandaang maa-access mo lang ang dashboard na ito kung nakarehistro ka na.
May mga tanong pa tungkol sa programa?
Kailan iniaalok ang programang ito?
Iniaalok nang buong taon ang programang ito, at walang deadline sa pag-sign up.
May bayad ba ang paglahok?
Wala, talagang libre ang Nonprofit Marketing Immersion para sa mga mag-aaral/volunteer at nonprofit. Ang bawat Google Ad Grants account ng nonprofit ay may naka-preload na in-kind na badyet sa pag-advertise sa paghahanap na nagkakahalaga ng $329 USD kada araw.
Puwede ba akong magpatakbo ng mga display ad o video ad bilang bahagi ng programang ito?
Dahil ginagamit ng programang ito ang platform ng Ad Grants, magpapatakbo ka lang ng mga text na search ad.
Gaano ito katagal na maitugma?
Para sa mga mag-aaral/volunteer: Maglaan ng 7-10 araw para maitugma sa isang nonprofit kapag naisumite mo na ang iyong kahilingang maitugma. Tandaang nakabatay ang pagtutugma sa availability ng nonprofit at kung minsan, posible itong lumampas nang 10 araw depende sa mga kagustuhan sa wika at time zone.
Para sa mga nonprofit: Nakabatay ang pagtutugma sa availability ng mag-aaral/volunteer at 1-2 linggo ang average na tagal ng paghihintay.
Ano ang paghahandang ibinibigay mo sa mga mag-aaral/volunter na bago sa pakikipagtulungan sa kliyente?
Nagbibigay kami ng kumprehensibong toolkit para sa bawat hakbang ng proseso na magagamit ng mga kalahok pagkatapos magparehistro. Naglalaan din kami ng ilang channel para sa suporta para sa mga kalahok ng programa, kabilang ang Forum ng Nonprofit Marketing Immersion at Form ng Kahilingan para sa Suporta.
Ano ang natatanggap ng mga mag-aaral/volunteer para sa paglahok sa Nonprofit Marketing Immersion?
Makakatanggap ng Certificate ng Pagtatapos ang mga kalahok na makakatapos sa lahat ng hinihingi ng programa. Makakatanggap ng Certificate ng Nangungunang Marketer ang mga makakatanggap ng pinakamatataas na marka mula sa kanilang nonprofit na kliyente sa survey sa pagtatapos ng programa.
Gaano katagal na nakikipagtulungan ang mga mag-aaral sa kanilang nonprofit kapag naitugma na sila?
Kapag naitugma ka na, inaabot nang humigit-kumulang 8-10 linggo ang buong programa mula sa simula hanggang sa pagtatapos. Kabilang sa panahong ito ang pag-set up at pagsasagawa ng meeting para sa pagsisimula, oras para gumawa ng ulat bago ang campaign, pag-set up at pagpapatakbo ng mga campaign sa loob ng 4 na linggo, oras para gumawa ng ulat pagkatapos ng campaign, at pagsasagawa ng meeting para sa pagtatapos.
Isa akong advisor/propesor. Paano ko ipaparehistro para sa Nonprofit Marketing Immersion ang mga mag-aaral ko?
Kakailanganin mo munang magparehistro bilang isang advisor/propesor gamit ang link na ito. Kapag na-verify at naaprubahan ka na, puwedeng magparehistro ang iyong Team Captain gamit ang link na ito. Tandaang 10 ang default na bilang ng mga team ng mag-aaral na puwede kang magkaroon bilang advisor/propesor; gayunpaman, kung kailangan mong humiling ng mga karagdagang team, magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsusumite ng form ng Kahilingan para sa Suporta at paghiling sa amin na dagdagan ang bilang ng mga team sa iyong dashboard.
Kinakailangan ba ng mga mag-aaral/volunter na magkaroon ng advisor/propesor para makapagparehistro?
Sa kasalukuyan, hinihingi namin sa mga mag-aaral at volunteer na magparehistro sa ilalim ng advisor o propesor para makalahok. Ang isang advisor/propesor ay puwedeng maging sinumang nakarehistrong miyembro ng faculty na handang mag-sponsor sa iyong trabaho bilang bahagi ng programang ito; hindi kinakailangang maging bahagi ng pormal na kurso ang Nonprofit Marketing Immersion
Mayroon akong isyu o tanong tungkol sa programa na wala sa listahang ito. Sino ang puwede kong makaugnayan para sa tulong?
Punan ang isang Form ng Kahilingan para sa Suporta para sa mga pangkalahatang isyu o tanong tungkol sa programa. Mag-post ng tanong sa aming forum. Sumangguni sa Help Center ng Ad Grants para sa mga teknikal na tanong tungkol sa account.