Binabago mo ang mundo.
Makakatulong kami.
Magsimula sa Ad Grants sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito.
Mag-apply sa Google for Nonprofits
Kapag na-verify na namin ang pagiging kwalipikado ng iyong organisasyon, maa-activate mo ang Google Ad Grants. Valid dapat ang charity status ng iyong organisasyon sa bansa mo. Tingnan ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado at mag-apply sa Google for Nonprofits.
Panoorin ang step-by-step na video na ito para maunawaan ang proseso ng aplikasyon sa simula hanggang dulo.
I-activate ang Ad Grants
Kakailanganin mong gamitin ang parehong email sa pag-log in para sa iyong mga Google for Nonprofits at Ad Grant account.
Mag-sign in sa Google for Nonprofits, i-click ang "Mag-activate ng Mga Produkto" pagkatapos ay "Magsimula" sa ilalim ng Google Ad Grants, kumpletuhin ang nire-require na impormasyon, at i-click ang "Mag-activate" para isumite ang iyong organisasyon para sa pagsusuri.
Maglunsad ng Matagumpay na Ad Grants Campaign
Kapag naaprubahan na ang iyong kahilingan sa pag-activate at tinanggap mo na ang invitation sa email sa iyong Ad Grants account, puwede mo nang simulan ang una mong campaign!
Pumuta sa aming series ng step-by-step na video para planuhin, buuin, at ilunsad ang iyong unang digital na marketing na campaign sa Google Ad Grants.